Bagong Kapamilya Love Team Magsasama Sa Big Screen!

Huwebes, Marso 7, 2024

 


Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Chris Gassman, ang punong tagapamahala ng pelikula ng ABS-CBN, tila ipinahihiwatig nito ang posibleng pagtatambal sa isang pelikula nina Anthony Jennings at Maris Racal, mga kilalang artista ng Kapamilya network.


Ito ay dahil sa matagumpay na pagganap nila bilang sina Snoop at Irene Chiu sa teleseryeng Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


 Naging labis na excited ang mga tagahanga ng tambalang Snooren na mapanood sila sa malaking screen.


Napakalakas ng suporta ng mga fans sa loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings. 


Marami ang nabigo nang hindi na nila mapanood ang dalawa sa Can’t Buy Me Love matapos ang kanilang paalam bilang Snoop at Irene.


Dahil sa mga pinakabagong kaganapan sa kuwento ng serye, may ilang fans na nalungkot at nagbanta na hindi na nila ito susubaybayan. 


Gayunpaman, marami ang natutuwa sa nakakakilig na kuwento nina Snoop at Irine at nalulungkot sa posibleng wakas nito.


Mayroon ding ibang fans na humihiling sa mga manunulat at pamunuan ng serye na huwag nang tapusin ang nakakakilig na kwento ng tambalang Snooren. Pati na ang TV5 ay mayroon ding petisyon tungkol dito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento