Toni Gonzaga, Muling Mag Babalik Sa Kapamilya.

Huwebes, Pebrero 29, 2024

 


Matunog ang balitang babalik na sa Kapamilya ang aktres na si Toni Gonzaga. May malalakas na bulungan na kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagbubukas ng isang sikat na Kapamilya program. 


Pagkatapos niyang mag-resign bilang host ng programang Pinoy Big Brother, napanood siya sa bagong istasyong AllTV. 



Hindi nagtagal ay natigil ito sa pagpapalabas dahil sa mga haka-haka tungkol sa nasabing network. 


Ayon sa balita, anumang oras ay puwede pang bumalik sa Kapamilya si Toni dahil hindi naman siya opisyal na tinanggal ng ABS-CBN bilang talent nito dahil siya mismo ang biglang nag-resign. 




Matatandaan na maraming solidong Kapamilya ang bumatikos kay Toni dahil sa kanyang pagkampi at pangangampanya sa mga taong naging dahilan ng pagpapasara at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN network. 


Ito ang naging dahilan ng kanyang pagbibitiw sa network ng ABS-CBN. Samantala, magbabalik at magbubukas muli ang pinakasikat na bahay sa bansa, ang Pinoy Big Brother, sa ika-11 season nito. 



Sa pagbubukas nito, si Toni pa rin ang magiging pangunahing host ng programa tulad ng dati. 


Pero marami pa rin ang naghihintay sa opisyal na desisyon at pahayag ng ABS-CBN hinggil sa kumakalat na balitang ito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento