Coming Soon! Comeback Project Nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, Pinaplano Na!

Lunes, Marso 11, 2024

 


May sorpresa sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sa kanilang mga tagahanga, sapagkat ang kanilang reunion movie ay matutupad na. 


Plinaplano diumano ang pagbabalik sa pelikula ng tambalang KathDen o Alden Richards at Kathryn Bernardo na dati nang nagpaligaya sa kanilang mga tagahanga.



Matapos ang sunod-sunod na mga taping para sa Kaliwatka at ang kanilang mga endorsements at TV commercial, nakatuon ngayon si Asia's superstar Kathryn Bernardo sa paghahanda sa kanilang inaabangang reunion project kasama si Alden Richards.


Mukhang marami nang nakalinya na mga proyekto para sa kanya sa taong 2024. Naging matalinong mag-isip si Alden Richards nang siya ay tanungin ng isang reporter sa naganap na walk of fame tungkol sa kanyang mga kasalukuyang gawain. 


Walang ikinukubli si Alden at may pagmamataas na sumasagot sa mga tanong ng media.



Nang tanungin ng media kung mayroon silang balak na reunion project kasama si Kathryn Bernardo, ang tanging sagot lamang ni Alden ay "coming soon." 


Tilang matutupad na ang inaasam ng marami na ang dalawang aktor ay magkakaroon ng pagbabalik sa pelikula matapos ang kanilang matagumpay na pagtatambal sa pinakatanyag na pelikulang Filipino na Hello, Love, Goodbye.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento