Ibinuking Na! Kim Chiu at Paulo Avelino, Parang Mag-asawa Kapag Na Set Ng WWWSK!

Lunes, Marso 11, 2024

 


Pepe Herrera nagbahagi ng totoong kalagayan nina Kim at Paulo na parang mag-asawa. Sa nakaraang media conference ng mga cast ng What's Wrong with Secretary Kim PH, sinabi ng kapwa nila kasama sa serye na si Pepe Herrera ang tunay na estado ng relasyon ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Dahil sa kanilang madalas na pagkakasama sa set, napansin ng marami ang espesyal na pag-uugali nila sa isa't isa. Isa sa mga nakapansin nito ay si Pepe Herrera.



Sa panayam sa kanila sa MediaCon, lumilitaw na ibinunyag ni Pepe ang tunay na kalagayan ng dalawa. Inamin niya na kinikilig ang buong grupo sa kanilang dalawa, Kim Chiu at Paulo Avelino. 


Pabirong sinabi pa niya na kung sasabihin ng dalawa na matagal na silang magkasintahan, ay maniniwala sila.



Aniya pa, sa set, parang mag-asawa ang dalawa. Hindi rin napigilan ng dalawang ito na reaksiyunan ang sinabi ni Pepe, kaya't habang nagsasalita si Pepe, tila kontrolado ang kanilang kilig. 


Minsan, tila may mga pagkakataon na gusto nilang pigilan si Pepe sa kanyang mga sinasabi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento