Emosyonal Na Pagdalaw Ni Philmar Alipayo Kay Jaclyn Jose at Mensahe Nito Sa Biglaang Pagpanaw Nito!

Sabado, Marso 9, 2024

 


Naging emosyonal si Philmar Alipayo, ang kasintahan ni Andi Eigenmann, nang magbahagi siya ng personal na mensahe para sa kamamatay lamang na biyenan na si Jaclyn Jose.


“Mamimiss ka namin, lalo na ng mga bata, salamat sa lahat ng oras sa pag aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat. Mamahalin ka namin lahat hanggang sa walang hanggan.”


Naguluhan ang marami kung bakit wala si Philmar Alipayo sa tabi ni Andi Eigenmann sa mga nakaraang araw ng burol ng aktres. Ayon sa ulat, siya muna ang nagbantay sa kanilang dalawang anak upang makapag-focus si Andi sa pag-aasikaso sa burol ng kanyang ina.




Ang pagpanaw ni Jaclyn Jose ay biglaan, kaya't biglaan din ang pag-book ni Andi ng flight mula Siargao patungong Maynila.


Kinakailangan niyang mauna upang asikasuhin ang mga bagay mula sa ospital hanggang sa burol ng kanyang ina. Ngayon, nag-post na rin si Philmar na susunod na sila ng kanilang anak sa Maynila upang suportahan si Andi.


Napakaunderstanding din ni Philmar, ayon sa ulat, dahil nauunawaan niya ang pagiging kasama ni Jake Ejercito ni Andi sa unang lamay ng kanyang ina. Suportado niya ito dahil ama si Jake ni Ellie, ang panganay na anak ni Andi, at naging malapit din si Jake kay Jaclyn Jose.



Dahil dito, mas lalong hinangaan ng mga netizens si Philmar dahil sa kanyang tunay na pagmamahal kay Andi at sa pag-unawa nito sa mga pangangailangan ng kanyang kasintahan sa panahong ito ng kalungkutan.


Malaking bahagi rin si Philmar sa pagpapabuti ng buhay ni Andi, bagaman iba sa dating buhay nito sa showbiz, mas masaya raw ang puso ni Andi ngayon sa piling ni Philmar.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento