Kathryn Hinanap Kay Daniel Sa Dubai! Ito Ang Sagot Ni Daniel

Biyernes, Marso 8, 2024

 


Kathryn, hinanap kay Daniel Padilla sa Dubai. Ang aktor na si Daniel Padilla ay nagiging negosyante na. Kasalukuyang abala si Daniel sa Dubai dahil sa pagbubukas ng kanyang negosyo na Spice Grill. Maraming Pilipino at lokal na residente ang dumalo at sumuporta kay Daniel.


Hindi lamang iyon, kundi para makita siya at makakuha ng larawan at autograph mula sa kanya. Sinikap ni Daniel na ma-accommodate at bigyan ng atensyon ang lahat. Ngunit isang fan ang nagtanong kay Daniel kung nasaan si Kathryn. Sagot ni Daniel habang nagbibigay ng autograph, "saang planeta ka ba galing?" na tila natatawa. 



Agad sumigaw ang mga fans ng "we love you Daniel" nang sagutin niya ang tanong tungkol kay Kathryn. Marami na ang nakapanood ng video clip na iyon. Nagkaroon ito ng iba't ibang reaksyon. May ilan na nalungkot dahil sa paghahanap kay Kathryn, alam nilang may kulang kapag wala ito. May ilan naman na natuwa sa sagot ni Daniel, bilang mga tagahanga ni Kathryn at Daniel, sana ay updated ang fan na nagtanong.


Mukhang hindi siya informed na break na ang Kathniel at nagtanong pa siya kung nasaan si Kathryn. Ngunit sa kabila ng tanong na iyon, malamang ay nasaktan din si Daniel sa araw na iyon. Ngunit masaya ang mga taong dumalo sa pagbubukas ng negosyo ni Daniel sa Dubai.



Si Daniel ay masaya rin dahil ito ay isang panibagong tagumpay para sa kanya. Hindi lamang ito pang present kundi pang long term at pang future rin. Kaya't ngayon pa lang, sinisiguro ni Daniel ang kanyang kinabukasan at ng makakasama niya sa buhay.


Kahit ang mga solidong tagahanga ni Daniel ay masaya para sa kanyang bagong negosyo sa Dubai. Sa ngayon, sila ni Kathryn Bernardo ay namumuhay ng magkahiwalay, normal at patuloy na lumalago sa iba't ibang aspeto. Hindi muna sila magpapakialaman at hindi rin muna magkakaroon ng larawan sa iisang frame. Hayaan natin silang lumago nang hiwalay kung ano man ang gusto nilang maabot sa buhay.


@danrynnnn #kathrynbernardo #danryn #danielpadilla #kathniel #fyppppppppppppppppppppppp #fyppppppppppppppppppppppp #bgyo #bgyo_ph #bgyo_patintero #bgyotiktoktrends #bgyo_bulalakaw ♬ Patintero - BGYO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento