Paolo Contis Magpapahinga Daw Sa Showbiz Matapos Mapahiya Sa Pagsasara Ng Tahanang Pinakamasaya

Biyernes, Marso 8, 2024

 


Iniiwasan muna ni Paolo Contis ang madalas na pagsasalita matapos ang insidente at pagkawala ng trabaho dahil sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya.


Usap-usapan sa social media ang pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya at ang pagsasara ng Tape Incorporated dahil sa kanilang pagkatalo sa legal battles laban sa TVJ. Ayon sa mga ulat, isa sa mga lubhang naapektuhan ng pagsasara ng Tape Inc ang host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis.



Si Paolo Contis ay kilala bilang isa sa mga pangunahing host ng programa at ipinagtanggol niya ang mga Jalosjos sa isyu ng trademark laban sa mga host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic, at Joey. Ayon kay Ogie Diaz, malapit sila kay Paolo Contis kaya't tinanong niya ito tungkol sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya. Ngunit tumanggi ang host na makipag-usap sa kahit sino sa kasalukuyan.


Sinabi ni Ogie Diaz, "I asked Paolo Contis, since malapit naman tayo sa batang yan. Hiningi niya na wag ko muna siyang kausapin. Gusto raw muna niyang mapag-isa."



Pahayag pa ni Paolo Contis kay Ogie Diaz, "Mare, pass muna ako, papahinga lang ako."


May mga ulat din na nagpakita ng emosyon si Paolo Contis at hindi niya napigilan ang kanyang mga luha sa backstage at sa dressing room noong mga huling linggo ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya.



Ayon kay Cristy Fermin, isang showbiz columnist na may impormasyon mula sa kanyang insider, agad na pumunta si Paolo Contis sa dressing room at umiyak nang malaman ang pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya at ng Tape Inc. Ayon sa insider, hindi nais na makita ni Paolo na umiyak sa publiko dahil baka siya ay masabihan at mapahiya dahil sa kanyang mga pahayag sa trademark issue ng Tape Inc at TVJ.


"Ayaw ipakita sa harap ng mga kamera kasi lalo siyang dudumugin ng bashing." 



Naging matiyaga siya sa pag-suporta sa mga Jalosjos sa gitna ng kanilang problema. Isa sa mga lumalabas na dahilan kung bakit nagdesisyon ang Tape Inc na magsara ay ang kanilang utang na 800 milyong piso sa GMA network na nag-akumula mula noon pa at kailangang bayaran. Pinili na lamang nilang magsara upang hindi na madagdagan ang kanilang utang sa GMA network.


May mga ulat pa na ang sinisisi ng Tape Inc ay ang paglisan ng TVJ at iba pang staff ng Eat Bulaga kung bakit nila naranasan ang kanilang mga financial losses at pagkalugi ngayon.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento