Mga Batikang Aktres Na Pinagpipilian Para Sa Naiwang Role Ni Jaclyn Jose Sa Fpj's Batang Quiapo

Huwebes, Marso 7, 2024

 


Pagkatapos ibahagi ng Batang Quiapo ang eksena ni Jaclyn Jose, marami ang nagbibigay ng suhestiyon kay Coco kung ano ang dapat niyang gawin ngayong wala na si Mam Jaclyn at kung sino ang aktres na maaaring pumalit sa kanya.


Sa nasabing eksena kagabi ni Ms. Jaclyn, nagbalik ang karakter ni Mam Jaclyn na si Chief Espinas sa selda matapos itong lumabas sa ospital. Dahil dito, naisip ng mga netizens na magbakasyon muna ang karakter ni Mam Jaclyn Jose. At maghanap ng kapalit sa puwestong iniwan niya upang maging maganda ang pagpasok ng bagong aktres na papalit kay Mam Jaclyn.


Samantala, ang mga napipisil ng mga netizens na posibleng pumalit sa papel na iniwan ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose ay sina Silvia Sanchez, Snookie Serna, Janice de Belen, at Rosanna Roces. Una sa listahan ang nabanggit na si Sylvia Sanchez, na kilala sa kanyang husay sa pagganap. Sa katunayan, pinag-usapan ang kanyang galing sa mga eksena sa Senior High. Sinabi ni Sylvia Sanchez dati na gusto niyang makatrabaho si Coco Martin.


Sumunod sa listahan si Snookie Serna. Bida rin siya sa seryeng Pira-pirasong Paraiso kung saan napansin ang kanyang husay bilang kontrabida. Ayon sa netizens, bagay ang pagiging matapang ni Snookie sa papel ni Chief Espinas.


Kasunod naman si Janice de Belen, na kilala sa kanyang mahusay na pagganap. Pinuri ang kanyang kakayahan sa seryeng Dirty Linen na naging usap-usapan noong nakaraang taon.


Ang huling napipisil ay si Ms. Rosanna Roces, na naging bahagi rin ng FPJ's Ang Probinsyano. Dahil dito, alam na niya ang kalakaran sa paggawa ng serye ni Coco Martin. Sa mga nakaraang serye ni Ms. Rosanna, karamihan ay kontrabida ang kanyang role. Kaya't bagay din siyang pumalit sa papel ni Mam Jaclyn Jose.


Gayunpaman, sinuman ang aktres na papalit kay Jaclyn Jose, tiyak na magagampanan nito ng maayos ang papel na iniwan ng batikang aktres.


@u_shopnow Sino na kaya ngayon ang magtutuloy sa lahat ng mga nasimulan ni Chief Espinas sa Batang Quiapo? #batangquiapo #chiefespinas #jaclynjose #fpjsbatangquiapo #tiktokvideo #teleserye #fypシ゚viral #xyzbca #u_shop #tiktok ♬ original sound - u_shop🛒🛍

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento