Diretsahang binanatan ni Palace Press Officer Claire Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ilarawan ang dating lider bilang umano’y “korap” na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands.
Mabigat ang pahayag dahil hindi lang ito simpleng banat sa dating pangulo. Tumatama ito sa imahe ni Duterte bilang dating lider na nangakong lalaban sa krimen, droga, at korapsyon noong kanyang administrasyon.
“’Yung isang umamin na korap, nasa The Hague na. Hindi puwedeng magmalinis ang sinumang lider kung sa panahon niya ay may mga isyung hindi nasagot tungkol sa katiwalian. Ang taumbayan ang dapat masunod, at ang pananagutan ay dapat umabot kahit sa pinakamataas na opisyal.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento