Advertisement

Responsive Advertisement

"THE FUEL TAX STAYS FOR NOW" PANGULONG MARCOS NANINDINGAN HINDI TATANGGALIN ANG 12% TAX SA GASOLINA

Lunes, Mayo 25, 2026

 



Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mananatili muna ang Value-Added Tax o VAT sa petroleum products dahil mahalaga umano ito bilang pagkukunan ng pondo para sa mas malawak na ayuda at public support programs ng gobyerno. 


Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi ni Marcos na hindi aalisin ng pamahalaan ang VAT sa petroleum products dahil ang makokolektang kita mula rito ay gagamitin para sa iba pang pangangailangan ng bansa


“Hindi natin puwedeng tanggalin basta-basta ang VAT sa petroleum products dahil ang pondong makukuha rito ay gagamitin para sa mas malawak na tulong sa taumbayan. Kung aalisin natin ito, petroleum market lang ang matutulungan. Ang kailangan natin ay pondo para sa buong lipunan—para sa ayuda, subsidy, at suporta sa iba’t ibang sektor.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento