Hindi napigilan ni Senador Migz Zubiri ang kanyang pagkadismaya matapos magpakita si Senadora Imee Marcos ng video presentation sa plenaryo ng Senado tungkol sa umano’y planong Charter change o Cha-cha.
Ang video ay tumalakay sa alegasyong may plano umanong baguhin ang Konstitusyon upang mapahaba ang termino ng kasalukuyang mga opisyal at hindi matuloy ang halalan sa 2028. Matapos itong ipalabas, agad na kumontra si Zubiri at hiniling na tanggalin ito sa opisyal na records ng Senado.
“I move to strike that horrible propaganda video off the records of this great institution.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento