Umapela si Grace Nancy Dela Rosa, asawa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, sa Philippine courts na huwag maging bahagi ng pagdadala sa kanyang asawa sa The Hague, Netherlands, kung saan naroon ang International Criminal Court.
Ang panawagan ay ginawa sa gitna ng mainit na usapin sa ICC arrest warrant laban kay Dela Rosa. Nauna nang tinanggihan ng Supreme Court ang hiling ng senador na maglabas ng temporary restraining order para pigilan ang posibleng pag-aresto at paglipat sa ICC. Nilinaw naman ng SC na ang ruling ay tungkol lamang sa interim relief at hindi pa final decision sa lahat ng legal issues ng kaso.
“Please do not be an accessory to bringing my husband to The Hague. Every Filipino must be tried in his own country. Huwag ninyong isuko ang responsibilidad ng ating mga korte. Ipaglaban ninyo ang soberanya ng Pilipinas at siguraduhing ang bawat Pilipino ay dadaan sa prosesong naaayon sa ating sariling batas.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento