Naglabas ng matapang at diretsahang babala ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) laban sa mga opisyal at mambabatas na susuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Malinaw ang mensahe ng PDP, walang puwang sa partido ang mga kakampi ng impeachment laban kay VP Sara.
Sa inilabas na opisyal na pahayag nitong Linggo, sinabi ng PDP na mariin nitong tinututulan ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente. Ang naging pahayag ng PDP ay malinaw na pressure at babala sa mga politiko na nagbabalak bumoto laban kay VP Sara Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento