Nagbigay ng direktang hamon si House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro sa mga miyembro ng pamilyang Duterte na kasalukuyang nasa Kamara de Representantes upang lumahok sa debate kaugnay ng rekomendasyong i-impeach si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, bukas umano ang Kamara para sa maayos at patas na debate lalo na’t isa itong seryosong constitutional process na dapat pag-usapan nang harapan at malinaw sa publiko.
Nilinaw ni Luistro na maaaring sumali ang mga Duterte na miyembro ng Kamara sa magiging debate matapos ang kanyang sponsorship speech para sa rekomendasyon ng House Committee on Justice.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento