Ready na ang partial report ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y malawakang anomalya sa flood control projects sa bansa.
Ayon kay Lacson, hindi masasayang ang mga ebidensyang nakuha ng komite, kahit pa nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado. Isa sa pinakamatinding punto ni Lacson: batay sa ebidensyang nakalap sa ngayon, wala raw iisang utak o “overall mastermind” sa umano’y flood control scam
“Batay sa ebidensyang nakita natin, walang iisang overall mastermind. Ang lumilitaw ay magkakahiwalay pero magkakaugnay na operasyon sa iba’t ibang lugar, pinatatakbo ng iba’t ibang personalidad na may kani-kaniyang impluwensiya sa kanilang distrito o rehiyon.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento