Advertisement

Responsive Advertisement

"NAGSISINUNGALING YAN SA PRESIDENTE" SEN. CAYETANO HINILING KUNG SINUSPINDE NILA SI MAO APLASCA DAPAT SUSPENDIHIN DIN SI NBI DIRECTOR MELVIN MATIBAG

Linggo, Mayo 17, 2026

 



Hiniling ni Senate President Alan Peter Cayetano na suspendihin din si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag kaugnay ng nangyaring barilan sa Senado.


Ginawa ni Cayetano ang panawagan matapos ianunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang anim na buwang preventive suspension laban kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, na umaming nagpaputok ng warning shots laban sa umano’y NBI agents sa loob ng Senado.


Para kay Cayetano, hindi patas kung si Aplasca lamang ang agad na masususpinde habang hindi pa rin nasisilip nang pareho ang papel ng NBI sa insidente. Direkta niyang sinabi na kung may independent investigation, dapat kasama ang liderato ng NBI sa masusing pagbusisi.


“Let me just appeal to the Ombudsman, suspend also the NBI Director because he is more a suspect than General Mao.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento