Tikom ang bibig ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. kung maaari bang manatili sa Camp Crame si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na ngayon ay sentro ng kontrobersiya matapos ang pag-alis nito sa Senate premises sa gitna ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Matatandaang sinabi ni Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na humiling umano si Dela Rosa na mailagay sa kustodiya ng Philippine National Police. Ayon sa ulat ng GMA News, narinig ni Aplasca ang kahilingang ito nang makipagpulong si Dela Rosa kay PNP Chief Nartatez at DILG Secretary Jonvic Remulla.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento