Sa gitna ng mainit na tensyon sa Senado at usapin ng mga nasa uniporme, pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong graduates ng Philippine Military Academy na ang kanilang katapatan ay dapat manatili sa Republika ng Pilipinas, hindi sa sinumang politiko, indibidwal, o pansamantalang ideolohiya.
Ginawa ni Marcos ang pahayag sa commencement exercises ng PMA “Talang Dangal” Class of 2026 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City ngayong Sabado, Mayo 16, 2026. Ayon sa GMA News, binubuo ang batch ng 207 cadets, kabilang ang 142 lalaki at 65 babae.
“As you take your oath today, remember that your loyalty is not to any political interest, not to any individual, nor any passing ideology. Your loyalty must always remain with the Republic of the Philippines.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento