Napuno si DILG Secretary Jonvic Remulla matapos batikusin ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang kanyang umano’y “incompetence” sa paghawak sa isyu ng pagdakip kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nauna nang hinimok ni Trillanes si Remulla na bantayang mabuti si Bato matapos lumabas ang ICC arrest warrant laban sa senador. Ayon kay Trillanes, dapat tiyakin ng DILG chief na hindi makakalabas si Dela Rosa dahil marami umanong exit points ang opisina sa Senado.
“There’s a reason why Trillanes lost three elections in a row. Nauuna yabang kaysa mag-isip.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento