Hayagang pinuna ng aktres at singer na si Agot Isidro si Senate President Alan Peter Cayetano matapos ang kontrobersyal na botohan sa Senado na nagpalit sa liderato nito.
Hindi pinalampas ni Agot ang nangyari. Sa kanyang social media post, direkta niyang pinuna si Cayetano dahil sa paggamit umano nito ng Bible verses.
“Alan Peter Cayetano, can you please stop uttering Bible verses kasi sure ako, hindi natutuwa si God sa ’yo.”
Tinawag din ni Agot na “13 Satanas sa Senado” ang mga senador na bumoto para kay Cayetano, kasabay ng kanyang patutsada tungkol sa paggamit ng mga religious lines sa gitna ng political maneuvering.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento