Advertisement

Responsive Advertisement

PULIS NA NANAKIT NG PARTNER, TULUYAN NANG SINIBAK SA PWESTO, PNP MAGSASAMPA NG KASO PARA MAGHIMAS SA REHAS

Lunes, Mayo 11, 2026

 



Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang isang pulis matapos mag-viral online ang video ng umano’y pananakit nito sa kanyang partner sa loob mismo ng kanilang bahay.


Kinilala ang pulis na si Del Alimeri, habang ang kanyang asawa naman ay si Aira Seda Delacruz.


Ang viral video ay mabilis kumalat sa social media at nagdulot ng matinding reaksiyon mula sa publiko dahil sa nakitang pananakit habang nagtatalo ang mag-asawa.


Ayon sa ilang ulat, unang nanakit umano ang babae habang nasa gitna ng mainit na argumento. Ngunit sa kabila nito, maraming netizens ang nagsabing hindi sapat na dahilan ang away upang gumamit ng dahas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento