Masayang ibinahagi ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang umano’y malaking pagbaba ng mga pangunahing krimen sa bansa matapos ipatupad ang mas pinaigting na Safer Cities Initiative sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
12% pagbaba ang naitalang insidente ng major crimes sa ilalim ng kasalukuyang kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas na mga komunidad.
Ayon kay Remulla, layunin ng Safer Cities Initiative na palakasin ang police visibility, paigtingin ang koordinasyon ng local government units at law enforcement agencies at tiyaking mas mabilis ang pagtugon sa krimen.
Isa sa pinakamatingkad na pahayag ni Remulla ay ang kanyang diretsahang paninindigan na “Hindi kailangan pumatay para maging safe ang isang lugar.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento