Advertisement

Responsive Advertisement

"DAHAN-DAHAN NA LANG DIN HO TAYO SA PANANALITA." VIRAL COP DEL ALIMERI HUMINGI NG TAWAD SA GINAWANG PANANAKIT SA KANYANG PARTNER

Lunes, Mayo 11, 2026

 



Matapos mag-viral ang video ng umano’y pananakit niya sa kanyang partner sa loob ng kanilang bahay, naglabas na ng emosyonal na pahayag ang pulis na si Del Alimeri upang humingi ng tawad sa publiko at lalo na sa babaeng kanyang nasaktan.


Sa kanyang mensahe, inamin ni Alimeri na mali ang kanyang ginawa at sinabi niyang handa siyang tanggapin ang lahat ng magiging kaparusahan laban sa kanya.


"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, tatanggapin ko lahat ng consequences tao lang ako hindi perpekto nagulat din ako sa nagawa ko maski ako diko na makilala ang sarili ko.

Patawad sa babaeng minahal ko at nasaktan ko pisikal emosyonal. Lahat ng klaseng parusa na ipapataw saakin malugod kong pag dudusahan. Wala na po sanang lalake pa ang gaya ko patawad

Dahan dahan na lang din ho tayo sa pananalita ako lang po dapat ang may mali at magkasala hindi kayo always choose to be kind"


Isa sa pinakatumatak sa kanyang pahayag ay ang pag-amin niyang siya mismo ay nagulat sa kanyang naging kilos. Ayon kay Alimeri, wala umano siyang maibibigay na sapat na dahilan para bigyang-katwiran ang pananakit na nangyari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento