Nilinaw ng Palasyo na wala pa ring plano ang administrasyong Marcos na muling sumali ang Pilipinas sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa International Criminal Court o ICC.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinabi niyang nananatili ang dating posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa usapin ng ICC reentry.
“Hindi nagbabago ’yung stance ng Pangulo. Hindi pa rin po tayo ngayon magre-rejoin sa ICC,” ani Castro.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento