Nagpadala umano ng mensahe ng pasasalamat ang asawa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga senador na tumulong at sumuporta sa kanyang mister sa gitna ng tensyon sa Senado kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Sa naturang mensahe, hindi lang pasasalamat ang laman. Humingi rin umano siya ng tawad sa kalituhan at kaguluhang nangyari dahil sa sitwasyon ng kanyang asawa. Mabigat ang mensahe dahil ipinapakita nito na alam ng pamilya ni Dela Rosa na hindi lang si Bato ang naapektuhan, kundi pati ang mga senador, staff, security, media, at buong institusyon ng Senado.
“We would like to thank you and all other senators for all the support you have done for my husband. At the same time, I’d also like to ask for forgiveness. It is for this reason I am sure that Ronald made this ‘escape.’ He told me, habang tumatagal kasi siya diyan sa loob ay mas madadamay pa kayo.”

Wala ng justice system
TumugonBurahin