Hiniling ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sampahan ng kasong kriminal at arestuhin si acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca matapos nitong magpaputok ng baril sa loob ng Senado sa gitna ng tensyon kaugnay ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Trillanes, hindi simpleng security response ang ginawa ni Aplasca. Para sa kanya, ginamit umano nito ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms o OSAA bilang parang “private army” para protektahan si Dela Rosa, na may arrest warrant mula sa International Criminal Court.
“I hope makasuhan si General Aplasca dahil ginawa niyang private army ’yung OSAA. Wala silang ganoong authority at mandato.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento