Advertisement

Responsive Advertisement

"WE DON'T WANT TO DELAY THE IMPEACHMENT PROCEEDINGS" REP. GERVILLE LUISTRO SISIMULAN NA ANG PAGBUSISI SA IKA-APAT NA IMPEACHMENT NI VP SARA

Biyernes, Pebrero 27, 2026

 


Ipinahayag ni House Justice Committee Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na sisimulan na ng House Panel ang deliberasyon sa apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa Lunes, March 2.


Ayon kay Luistro, mahalagang masusing suriin ang bawat reklamo upang matukoy kung ito ay may sapat na basehan. Ang unang hakbang ay ang pagtukoy kung ang mga reklamo ay pasado sa pamantayan ng sufficiency in form and substance ibig sabihin, kumpleto ang dokumento at may sapat na nilalaman upang umusad sa susunod na yugto.


Sinabi ni Luistro na maaaring magsagawa ng pagdinig ang House Justice Committee kahit na may congressional break. Para sa kanya, kung mapapatunayang may sapat na batayan ang mga reklamo, hindi dapat maantala ang proseso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento