Nagbigay ng reaksyon si Palace Press Officer Claire Castro sa naging talumpati ni Vice President Sara Duterte sa Davao City, kung saan inamin ng Bise Presidente na napag-isipan niya kung ano kaya ang naging takbo ng kanyang buhay kung pinili niyang tumakbo bilang alkalde sa halip na sa mas mataas na posisyon sa pambansang pamahalaan.
Ayon kay Castro, “Mas maganda po nga sana kung nanatili na lamang siyang mayor sa Davao City.” Para sa Palasyo, maaaring mas naging epektibo si VP Sara kung nanatili siya sa lokal na pamahalaan kung saan mas direkta at mas malapit ang kanyang ugnayan sa mga mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento