Iminungkahi ni Ombudsman Crispin Remulla na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng naging desisyon ng Supreme Court sa pagbasura ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte.
Ayon sa Ombudsman, mahalagang masiguro na patas at hindi iisang panig lamang ang nasusuri sa mga sensitibong usapin ng bansa.
Ayon sa Ombudsman, ang ICI ay itinatag upang magsilbing independent at technical na katawan. Dahil dito, nakikita niyang may kakayahan itong magsagawa ng objective review, malayo sa impluwensiya ng pulitika kung may proseso o interpretasyong dapat ipaliwanag sa naging pasya ng Korte Suprema.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento