Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI SIYA ABOGADO PERO TALO NIYA MGA KARANIWANG ABOGADO" TITO SOTTO IPINAGTANGGOL SI PING LACSON IGINIIT HINDI KAILANGAN MAGING ABOGADO PARA MAGING LAW EXPERT

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 



Ipinagtanggol ni Senate President Tito Sotto ang kanyang kaibigan na si Sen. Ping Lacson laban sa mga batikos na nakatuon sa kawalan nito ng legal na titulo bilang abogado. Ayon kay Sotto, hindi kailangang maging abogado para maging mahusay na imbestigador lalo na kung may sapat na karanasan, disiplina, at kakayahang maglatag ng ebidensya.


Dagdag ni Sotto kahit hindi abogado si Lacson malawak ang kanyang karanasan sa batas. Kahit hindi abogado si Lacson ay talo pa raw niya nag karaniwang abogado papuri ni Sotto sa kanyang kaibigan


Binigyang-diin ni Sotto na sa larangan ng batas, mahalaga ang karanasan, para sa kanya napatunayan na ni Lacson ang husay na ito sa maraming pagkakataon, mga kasong naungkat, anomalya na nailantad, at linaw na naibigay sa publiko.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento