Nanawagan si Sen. Bam Aquino sa publiko at sa hanay ng oposisyon na huwag nang hintayin ang 2028 elections bago kumilos laban sa katiwalian. Para sa kanya, hindi dapat umiikot lamang sa usaping eleksyon ang diskurso ng pagkakaisa mas mahalaga umano ang agarang pananagutan ng mga nagwaldas at kumulimbat ng pera ng bayan.
Ayon kay Aquino, malinaw ang problema: habang abala ang marami sa paghahanda para sa susunod na halalan, patuloy namang nawawala ang pondo ng taumbayan. Giit niya, kung may ebidensya ng pagnanakaw at pang-aabuso sa pondo ng gobyerno, dapat itong tugunan agad hindi ipagpaliban para lamang gawing isyu sa kampanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento