Inamin ni DPWH Sec. Vince Dizon na hindi biro ang laban kontra korapsyon sa kanyang ahensya. Sa kabila ng sunod-sunod na paglilibot, site inspection, at pagrepaso ng mga proyekto, aminado siyang patuloy pa ring namamayagpag ang katiwalian sa loob ng DPWH.
Ayon kay Dizon, kahit personal niyang iniinspeksyon ang mga proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa, may mga pagkakataong bumabalik at bumabalik ang parehong problema. Ipinapakita umano nito na hindi lang indibidwal ang may sala, kundi may malalim na ugat ang problema sa sistema mula sa bidding, implementasyon, hanggang sa monitoring ng mga proyekto.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento