Advertisement

Responsive Advertisement

"NAGING KAKATAWANAN NA LAMANG ITO SA MATA NG PUBLIKO" SEN. RODANTE MARCOLETA MABUTING BUWAGIN ANG BLUE RIBBON COMMITTEE KUNG HINDI NA NAGAGAMPANAN ANG MANDATO

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 



Mariing kinuwestiyon ni Sen. Rodante Marcoleta ang pamumuno ni Sen. Ping Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Marcoleta, mula nang pamunuan ito ni Lacson, tila nawala ang kredibilidad ng komite at naging katawanan na lamang sa mata ng publiko.


Para kay Marcoleta, ang layunin ng Blue Ribbon Committee na mag-imbestiga ng katiwalian ay nalilihis, lalo na sa usapin ng umano’y anomalya sa flood control projects.


Dahil dito, nagbitaw ng matapang na panawagan si Marcoleta kung hindi umano kayang gampanan ng Blue Ribbon Committee ang mandato nito ayon sa Konstitusyon, mas mabuti pang buwagin na lang ito. Para sa kanya, walang saysay ang isang komiteng umiiral lamang sa pangalan ngunit walang tunay na resulta.


Iginiit ni Marcoleta na imbes na tutukan ang ugat ng problema, ang mga pagdinig ay nauuwi sa mga tanong na walang malinaw na direksyon. Aniya, tila may iniiwasan o pinoprotektahan, dahilan upang hindi lumutang ang buong katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento