Advertisement

Responsive Advertisement

"DUMAAN ITO SA MASUSING PAGSUSURI" REP. PERCI CENDAÑA DESISYON NG KAMARA IBASURA ANG IMPEACHMENT NG PANGULO AY NARARAPAT IGALANG AT TANGGAPIN NG BUONG PUSO

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 



Mariing iginiit ni Rep. Perci Cendaña na ang naging desisyon ng House Committee on Justice na tuluyang ibasura ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay isang “sagradong desisyon” na nararapat igalang at tanggapin ng buong puso.


Ayon kay Cendaña, hindi basta-basta ang prosesong dinaanan ng mga reklamo. Dumaan ito sa masusing pagsusuri ng anyo at laman, at hindi sa ingay ng opinyon sa labas ng Kamara.


Binigyang-diin ni Cendaña na ang House Committee on Justice ay kumilos alinsunod sa mandato ng Konstitusyon. Ang pagbabasura, aniya, ay resulta ng maingat na pagbusisi sa ebidensya at batayang legal, hindi ng personal na interes o pulitikal na dikta.


Iginiit pa ni Cendaña na ang pagkwestiyon sa desisyon ng Komite nang walang sapat na batayan ay naglalagay sa panganib sa tiwala sa mga institusyon. Aniya, ang demokrasya ay gumagana lamang kung marunong ang lahat na rumespeto sa mga pasyang naaayon sa batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento