Ipinahayag ni Vicente Sotto III ang kanyang paggalang sa naging desisyon ng House Committee on Justice na tuluyang ibasura ang dalawang impeachment complaints na inihain laban kay Ferdinand Marcos Jr.. Para kay Sotto, malinaw na sinunod ng Kamara ang tamang proseso at masusing sinuri ang mga reklamo bago nagpasya kung ikukumpara ito sa desisyon ng supreme court na napaka-kwestyonable
Binigyang-diin ni Sotto na ang Kongreso ang may direktang mandato sa usapin ng impeachment hindi ang Korte Suprema. Aniya, ang mga mambabatas ang mas nakakaalam ng takbo, limitasyon, at teknikalidad ng proseso kumpara sa mga hukom ng Korte Suprema na may hiwalay namang saklaw ng kapangyarihan.
Dagdag pa niya, hindi nangangahulugang walang pananagutan ang Pangulo bagkus, ipinakita lamang ng Kamara na kulang sa sapat na basehan ang mga reklamong inihain upang magpatuloy sa susunod na yugto.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento