Ibinunyag ni Ping Lacson na may umano’y “under the table” na alok mula sa isang bloc na kaalyado ng Duterte camp upang ialok ang Senate presidency kay Loren Legarda. Ayon kay Lacson, may mga galaw sa likod ng tabing na naglalayong baguhin ang liderato ng Senado.
Gayunman, mariing pinabulaanan ni Lacson ang mga kumakalat na tsismis na si Sen. Legarda umano ang nagtutulak ng pagpapalit ng pamunuan. Tinawag niya ang mga haka-hakang ito bilang “kakahiya at mga walang hiya.”
Binigyang-diin ni Lacson na magkaiba ang alok at ang intensyon. Ang pagkakaroon ng alok kung totoo man ay hindi nangangahulugang may ambisyon o pakikialam ang sinumang inaalukan. Aniya, hindi dapat idikit ang pangalan ni Legarda sa mga intriga kung walang malinaw na patunay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento