Hayagang inilahad ni Senate President Tito Sotto ang kanyang pagkadismaya sa naging papel ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Sara Duterte. Para kay Sotto, malinaw na nanghimasok ang mataas na hukuman sa isang prosesong dapat ay eksklusibong saklaw ng Kongreso.
Aminado ang Senate President na, matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema, halos imposible na ang inaasam niyang maituloy ang impeachment laban kay VP Sara. Aniya, hindi na lamang usapin ng boto o proseso sa Senado, nabara na ang daan bago pa man makarating sa impeachment trial.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento