Mariing iginiit ni Rep. Leila De Lima na karapat-dapat umano si Sen. Risa Hontiveros na mahalal bilang Pangulo sa 2028. Ayon kay De Lima, mas “deserve” ng taumbayan ang isang lider na may malinaw na track record at may matibay na paninindigan sa mga isyu ng bansa.
Isa sa mga puntong binanggit ni De Lima ay ang kontrobersiya sa confidential funds na iniuugnay kay VP Sara. Para sa kanya, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang usapin ng paggastos ng pondo ng bayan. Giit niya, ang pera ng taumbayan ay dapat ginagamit nang may malinaw na transparency at pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento