Mariing iginiit ni dating ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi niya iboboto si Vice President Sara Duterte kung ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2028. Ayon kay Castro, malinaw ang kanyang paninindigan pagdating sa usapin ng paggamit at paglustay umano ng confidential funds.
Isa sa pangunahing dahilan ng pagtutol ni Castro ay ang isyu ng confidential funds na ilang beses nang naging sentro ng diskusyon sa publiko. Aniya, ang pera ng taumbayan ay dapat ginagamit nang malinaw at may sapat na paliwanag sa bawat paggastos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento