Advertisement

Responsive Advertisement

"KAHIT PISO HINDI NAMIN GINAMIT ANG PUNDO NG BAYAN" SHEERA ESCUDERO ITINANGGI NA BUWIS NG TAUMBAYAN ANG GINAMIT SA PAGPUNTA SA THE HAGUE

Lunes, Pebrero 23, 2026

 



Isa si Sheera Escudero sa mga miyembro ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na tumungo sa The Hague, Netherlands upang dumulog sa International Criminal Court (ICC). Kamakailan, pinasinungalingan niya ang alegasyon na buwis ng taumbayan ang ginamit nila sa kanilang pagpunta roon.


Ayon kay Escudero, hindi totoo na pondo ng gobyerno ang ginastos sa kanilang biyahe. Nilinaw niya na may mga pribadong indibidwal at organisasyon ang tumulong upang maisakatuparan ang kanilang pagpunta sa The Hague.


Mariing iginiit ni Escudero na hindi sila bumiyahe para maglibang o mag-enjoy sa ibang bansa. Aniya, mabigat ang dahilan ng kanilang pagpunta, ang paghahanap ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasawi sa gitna ng drug war.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento