Sumang-ayon si Ombudsman Crispin Remulla sa naging desisyon ng House Committee on Justice na ibasura ang dalawang impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para sa Ombudsman, malinaw na walang sapat na batayan ang mga reklamo upang umusad pa ang proseso.
Diretsahang iginiit ng Ombudsman na kahit siya pa mismo ang magsagawa ng imbestigasyon, pareho pa rin ang magiging resulta mauuwi sa pagkakabasura ang kaso. Aniya, walang makikitang paglabag na maituturing na impeachable offense laban sa Pangulo.
Para kay Remulla, ang desisyon ng House Committee on Justice ay nagpapakita na gumagana ang mga institusyon kapag inuuna ang ebidensya at hindi emosyon o ingay sa politika. Paalala niya, ang batas ay dapat manaig hindi ang dami ng nagsusumite ng reklamo, kundi ang bigat ng ebidensya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento