Inihayag ni DOT Sec. Christina Frasco na naglabas na siya ng direktiba upang tanggalin ang kanyang mga larawan sa lahat ng opisyal na materyales ng Department of Tourism. Ito ay kasunod ng mainit na pagdinig sa Senado kung saan matapang siyang pinuna ni Sen. Raffy Tulfo.
Sa pagdinig, diretsahang kinuwestiyon ni Sen. Tulfo kung bakit mas litaw ang larawan ng kalihim kaysa sa magagandang lugar sa Pilipinas. Para sa senador, malinaw ang layunin ng DOT: i-promote ang bansa, hindi ang opisyal.
Bilang tugon, sinabi ni Frasco na nag-utos na siya ng agarang pagtanggal ng anumang materyales na maaaring makasira sa kanyang imahe at magbigay ng maling mensahe sa publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento