Ipinahayag ng Makabayan Bloc na handa itong muling magsampa ng impeachment complaint laban kay Sara Duterte, sa kabila ng naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines na ibasura ang naunang kaso dahil sa pagiging unconstitutional nito.
Ayon kay Antonio Tinio, hindi dito nagtatapos ang laban ng Makabayan. Para sa kanila, ang desisyon ng Korte Suprema ay isang legal na hadlang, hindi katapusan ng paghahanap ng pananagutan.
Giit ni Tinio, malinaw umano ang panawagan ng publiko para sa transparency at accountability, at tungkulin ng mga mambabatas na dalhin ito sa loob ng mga institusyon. Aniya, kung may bagong basehan at sapat na ebidensya, handa silang magsumite muli ng reklamo alinsunod sa Konstitusyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento