Mariing pinasinungalingan ng Malacañang ang mga alegasyong kontrolado o binayaran ng Pangulo si Tito Sotto. Ayon kay Claire Castro, malinaw na hindi hawak ng Palasyo ang lahat ng galaw at desisyon ng lider ng Senado.
Iginiit ni Castro na ang Senate President ay isang independent official na may sariling pag-iisip at karanasan sa pulitika, at hindi simpleng sumusunod sa dikta ng ehekutibo.
Binigyang-diin ng Malacañang na may buong tiwala sila kay Senate President Sotto tiwalang inuuna nito ang interes ng taumbayan kaysa sa pansariling pakinabang o pulitikal na alyansa. Para sa Palasyo, hindi kailangang bantayan o kontrolin ang isang beteranong mambabatas na alam ang responsibilidad ng kanyang posisyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento