Advertisement

Responsive Advertisement

"HABANG BATA MAHALAGANG MAUNAWAAN NILA ANG PANGHAHARAS NG CHINA" SEN. ERWIN TULFO GUSTONG ITURO SA MGA BATA ANG SIGALOT SA WEST PHILIPPINE SEA

Huwebes, Pebrero 12, 2026

 




Isinusulong ni Sen. Erwin Tulfo ang panukalang “West Philippine Sea Education Act,” na naglalayong maisama sa kurikulum ng mga Grade 4 students ang usapin ng sigalot sa West Philippine Sea at ang umano’y panghaharas ng China sa mga Pilipinong mangingisda at barko ng pamahalaan.


Ayon kay Tulfo, mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang kasaysayan at kasalukuyang sitwasyon ng teritoryo ng bansa habang maaga pa. Para sa kanya, ang edukasyon ang pinakamabisang sandata laban sa maling impormasyon at panlilinlang.


Binibigyang-diin ng senador na dumarami ang kumakalat na maling balita tungkol sa isyu ng West Philippine Sea, lalo na sa social media. Aniya, kung hindi ito agad maipapaliwanag nang tama sa mga kabataan, maaaring maimpluwensyahan ang kanilang pananaw sa hinaharap.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento