Umani ng pansin ang matapang na pahayag ni Atty. Rowena Guanzon laban kay Rep. Gerville Luistro. Iginiit ni Guanzon na dapat umanong ma-disbar si Luistro dahil sa umano’y pagtatago nito sa kanyang asawa na may kinahaharap na kasong rape.
Ayon kay Guanzon, seryosong usapin ang integridad ng isang abogado at mas lalong mabigat ang responsibilidad kung ito ay isang mambabatas at may hawak na sensitibong posisyon sa Kongreso. Para sa kanya, hindi maaaring paghiwalayin ang personal na kredibilidad at ang pampublikong tungkulin.
Dagdag pa ni Guanzon, nawawala umano ang kredibilidad ni Luistro bilang chairman ng Committee on Justice dahil sa umano’y labis na paglapit o pagsuporta nito sa dating House Speaker na si Martin Romualdez.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento