Advertisement

Responsive Advertisement

"GUSTO KO ANG PAGIGING MAYOR MAS CHALLENGING ITO KAYSA TRABAHO NG VICE PRESIDENT" LENI ROBREDO INAMIN PAGIGING ALKALDE ANG PINAKAMABIGAT NA TUNGKULIN SA GOBYERNO

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 



Inihayag ni Leni Robredo, dating Bise Presidente at kasalukuyang alkalde ng Naga City, na ang pagiging mayor ang pinakamahirap na posisyong kanyang hinawakan sa buong karera niya sa gobyerno mas mahirap pa umano kaysa sa pagiging Vice President noong nakaraang administrasyon.


Bagama’t mas mataas ang posisyon ng pagiging Bise Presidente sa pambansang antas, iginiit ni Robredo na mas mabigat ang responsibilidad sa lokal na pamahalaan dahil araw-araw ay harapan at agarang nararamdaman ang problema ng mga mamamayan.


Ayon kay Robredo, ang hamon ng pagiging alkalde ay ang konkretong epekto ng bawat desisyon. Kapag may baha, gutom, sirang kalsada, o kulang sa serbisyo diretso itong bumabagsak sa opisina ng mayor. Walang layo, walang filter, at walang palusot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento