Naniniwala si Flavie Villanueva na ang EJK Museum ay isang institusyong hindi agad lubos na mauunawaan, ngunit mas lalalim ang kahulugan habang lumilipas ang panahon. Inihalintulad niya ito sa alak o wine na sa pagdaan ng mga taon ay mas nagiging makahulugan at mas nauunawaan ang halaga.
Para kay Fr. Villanueva, natural lamang na may pagtutol, pangungutya, at hindi pagkakaintindihan sa ngayon, lalo na’t sariwa pa sa alaala ng marami ang mga pangyayari noong kasagsagan ng extrajudicial killings.
Ipinaliwanag ng pari na ang EJK Museum ay hindi itinayo upang manghusga, manisi, o magdikta ng pananaw. Ito ay itinayo upang magbigay-espasyo sa pag-alala, pagninilay, at pag-unawa. Aniya, darating ang panahon na ang mga taong ngayo’y nagdududa o tumatawa ay siya ring makakakita ng saysay nito.
Sa paglipas ng panahon, kapag humupa na ang emosyon at pulitika, mas magiging malinaw umano kung bakit mahalagang may ganitong museo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento