Nilinaw ni DOT Sec. Christina Frasco na wala siyang balak tumakbo sa anumang mataas na posisyon sa 2028 elections. Ito ay bilang tugon sa mga espekulasyong kumakalat na ginagamit umano niya ang kanyang posisyon bilang paghahanda sa mas mataas na ambisyon sa pulitika.
Ayon kay Frasco, ang kanyang buong atensyon ay nakatuon sa pagpo-promote, pagpapalakas, at pag-angat ng turismo ng Pilipinas. Giit niya, ang kanyang mga hakbang at proyekto ay bahagi ng kanyang mandato bilang kalihim hindi personal na branding o kampanya.
Aniya, kung may nakikitang aktibong kampanya ang publiko sa turismo, ito ay dahil trabaho iyon ng DOT, hindi dahil sa personal na interes.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento