Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKIT HINDI LOKAL GAMITIN NATIN, THERE IS NOTHING SPEACIAL ABOUT YOU" SEN. RAFFY TULFO SINERMONAN SI DOT SEC. FRASCO SA PAGGAMIT NG SARILING LARAWAN SA MGA TOURIST SPOTS

Sabado, Pebrero 7, 2026

 



Sinermonan ni Sen. Raffy Tulfo ang paggamit ng larawan ni DOT Sec. Christina Frasco na nakasakay sa bangka bilang bahagi ng promosyon ng Lake Sebu sa South Cotabato. Para kay Tulfo, may mas makabuluhang paraan para iangat ang turismo ang pagbibigay-priyoridad sa mga lokal na tunay na kumakatawan sa lugar at kultura.


Ayon kay Tulfo, kung ang layunin ay itampok ang Lake Sebu, mas nararapat na mga katutubong T’boli o mga lokal na kilala sa komunidad ang nasa harap ng kampanya. Para sa kanya, mas may bigat at kredibilidad ang promosyon kapag ang bida ang mismong mga local at kuwento sa mismong destinasyon.


Nilinaw ng senador na ang kanyang mga pahayag ay hindi personal na atake. Aniya, ang mga isyung binanggit niya ay hango sa mga reklamo na natanggap ng kanyang tanggapan. Ibig sabihin, hindi ito opinyon lang may sentimyento ng publiko na dapat pakinggan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento